Isang buwan na kaming kasal pero parang wala lang sa kanya, hindi nya nanaman ako kakausapin, mukhang kailangan ko ng masanay sa pagtrato nitong si Zach sa akin, kagabi nag iwan lang siya ng note sa ref para sa almusal na gusto niyang kainin ngayong umaga, ganito ang way nya ng pakikipag-communicate sa akin salamat na lang sa sticky note at nalalaman ko p ang mga pagkain na gusto niyang ihanda ko para sa kanya, bukod doon wala na siyang ibang sasabihin o ikukuwento man lang sa akin.
Nagpapasalamat ako sa in laws ko dahil na rin sa palagi nilang pagbisita sa akin dito sa bahay namin ni Zach, sila na lang kasi ng maituturing ko na pamilya dito sa Pilipinas dahil nag migrate na sa Amerika sina Mama at Papa kasama si Ate Beatrice noong isang taon, nagpaiwan lang ako dito dahil hindi ko kayang itigil ang pag-aaral ko dito.
Ambeeeeeeeeeeer!!!!!! natigil ako sa pagmumuni nang humahangos na dumating ang bunsong kapatid ni Zach na si Adriene, ganito talaga itong babaeng to parang laging may emergency kung makatawag samantalang malapit na lang kami sa isat isa.
Bakit? Ang ingay mo lagot ka nanaman sa kuya mo, malamang nagising na naman yun dahi sa lakas ng boses mo, para ka talagang nkalunok ng mega-.... hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang marahas na bumukas ang pinto ng kuwarto namin ni Zach at lumabas ito nakakunot ang noo at halatang nasira talaga ang tulog.
What the is your problem Adrienne?! Marahas niyang tanong sa nakababatang kapatid, ako naman ay napakislot nang bahagya dahil sa lakas ng boses ni Zach.
Bakit nandito ka gantong oras?
Sorry !malay ko bang nandito ka kunway hinging paumanhin ni Adrienne ngunit mababakas sa tinig nito ang pang-aasar.
Malamang nandito ako bahay ko ito eh
Whatever brother, matulog ka na lang uli, isasama ko si Amber sa mall ngayon ha, titingin kami ng baby clothes , nakakahiya naman kasi sa iyo ni hindi mo man kang maisipan na bumili ng mga gamit ng baby and maternity dress for your wife, mas inuuna mo pa kasi yang basketball na iyan pagsusungit naman ni Adrienne sa kuya nya ni hindi man lang natakot na mabulyawan nanaman .
Ahm, Adriene, huwag na binilhan ako ni Mommy lastweek, saka hindi naman ako naglalalabas ng bahay eh, saka diba nakaskirt naman ako sa scchool, naipa adjust ko naman na yung mga uniform ko, yung gamit ni baby next month ko pa sana balak bumili pag nakapag pa-ultrasound na ko paliwanag ko dito, nakita ko naman si Zach na bumalik na ng kuwarto namin at pabalibag na isinara ang pinto.
Ok, but can I stay here? Wala naman akong pasok ngayon eh. Abnormal talaga yang si Kuya. anito. malapit talaga ako sa kanya dahil palagi akong nasa bahay ng mga ito noong maayos pa ang relasyon namin ni Zach at noong mga panahon na hindi pa pumapasok sa buhay namin si Audrey. Ang babaeng kinahuhumalingan ni Zach ngayon, nawalan ng saysay ang tatlong taong relasyon namin nang makilala nito si Audrey sa isang event ng school noong isang taon, simula noon halos walang araw na hindi kami nagtatalo ni Zach.
Sige matagal-tagal na rin naman tayong di nakakapagbonding kung saan saan ka kasi naglululusot eh.
Yes! Whoooooohh! Hey you brother ill be staying here for the whole day!!! sigaw nito halatang nang-aasar. Kaya magbehave ka lang diyan sa loob ha, wag ka munang lalabas .
Tama na yan , halika na at mag almusal muna tayo,para naman bumalik sa katinuan yang isip mo nilagyan ko ng ham,bacon, at fried rice ang pinggan niya. Wala pa ring patid sa pagkukuwento si Adrienne tungkol sa kung anu-anong bagay, halos mabilaukan na ako dahil panay ang tawa ko sa mga pinagsasasabi niya.
Malapit na kaming matapos sa pagkain ng mapansin kong lumabas ng kuwarto si Zach, nakaformal attire ito saka ko lang naalala na Final Defense na nga pala nila ngayon.
Wow pogi ah, san ka pupunta kuya? bumanat nanaman si Adrienne.
Sa School,my defense ako ngayon kaya wag mo akong kulitin, tapusin mo na yang pagkain mo ani Zach saka umupo sa kabisera
Hmp! Sungit! Nga pala pinapasabi ni Mommy na papapuntahin na niya si Aling Fe dito sa friday para daw may mag asikaso na dito sa inyo
No. hindi na kailangan yun. Kaya naman Amber ang mga gawain dito saka wala kaming pampasuweldo kay Aling Fe. Kailangan magtipid marami na kaming gastusin dito sa bahay. Kung dati siguro nung single ako kukunin ko pa si Aling Fe
What? Ibinigay na nila Mommy sayo ang rights sa mga bahay na pinapaupahan natin dito. Kaya nga sayo napupunta ang bayad nila monthly tapos sasabihin mo na wala kang pansuweldo kay Aling Fe? Look Kuya, your wife is barely 5 months pregnant tapos siya ang pakikilusin mo dito sa bahay. Hindi ka ba nag iisip? napatayo na si Adrienne, halata sa mukha nito ang pagka-inis sa naktatandang kapatid. Ako naman ay mabilis na inabot ang kamay ng dalaga at pilit siyang hinihila upang maupo, ngunit hindi niya ako pinapansin.
Stop it Adrienne, wala kang pakialam sa mga desisyon ko sa bahay na ito.Hindi naman imbalido si Amber para kailanganin pa ng katulong dito sa bahay! Hindi naman ito mansyon dapat nga nagkikikilos siya para hindi mahirapan sa panganganak eh! bulyaw nito sa kapatid. Samantalang ako, hindi na ako makakilos sa kinauupuan ko dahil sa tensyon na namamagitan sa magkapatid, nagtatalo na sila ngayon nang dahil sa akin.
Adi, ok lang sanay naman ako sa mga gawaing bahay. Ano ka ba one year na akong walang katulong sa bahay simula nung mag migrate sina Mama diba. mahigpit kong pinisil ang kanyang kamay, doon niya lang ako tinignan. Tumahimik na ito at pabalyang umupo sa silya, panay pa rin ang pag-irap na gingawa niya sa kapatid.
Nagulat na lang ako ng ihagis ni Zach ang table napkin sa tabi ng cup na naglalaman ng kape niya at biglang tumayo.
! Makaalis na nga ang galing ninyo talagang manira ng araw
ka din! pagdating kay Amber ganyan ka pero pag yung maharot na si Audrey na ang pinag uusapan halos ibigay mo lahat ng savings mo para lang mabili mga luho niya! Ang sama mo kuya! kasal ka na pero hindi mo pa hinihiwalayan yung malanding yun! nagulat ako sa sinabi ni Adi, hindi ko akalain na alam niya pala ang patuloy na relasyon ng kapatid at ni Audrey, hindi naman lingid sa akin yun dahil ilang beses k na rin naman silang nakikita na magkasama kahit na kasal na kami.
Wala kang karapatan na pagsalitaan nang ganyan si Audrey! una pa lang nakipaghiwalay na ko sa babaeng yan! pero ano ang ginawa? kapit tuko sa akin!!! naaawa ka sa babaeng yan? bakit hindi mo intindihin ang sitwasyon ni Audrey? Siya ang mahal ko pero ibang babae ang pinakasalan ko dahil lang sa lintik na obligasyon na yan!!! galit na galit na sigaw ni Zach sa kapatid habang dinuduro ako. Pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis sa hapag kainan at kinuha ang mga gamit niya sa center table. Napaiyak ako sa sobrang sama ng loob, sa tanang buhay ko ngayon lang ako napagsalitaan nang ganon nadamay pa ang magiging anak ko.
Sorry ate niyakap ako ni Adi, habang patuloy lang ako sa pag iyak. Galit na galit sa akin si Zach dahil hindi niya magawang mahalin ng malaya si Audrey dahil sa akin. Ako nga ang asawa niya pero ako ang umaamot ng pagmamahal. Malayong malayo na siya sa dating Zach na nakilala ko, yung halos lahat ibibigay sa akin. Ngayon puro galit at disgusto ang ipinapakita at ipinararamdam niya! Nahihirapan ako sa sitwasyon ko, gustuhin ko mang makipaghiwalay ay hindi ko magawa!
Naririto na ako ngayon, kasal na kami, asawa ko na siya! Ngayon pa ba ako susuko? Natitiyak ko na pansamantala lamang ang nararamdaman ni Zach para kay Audrey kaya handa akong hintayin siya handa akong masaktan hanggang sa mapagtanto niya na ako at ang magiging anak namin ang mahalaga para sa kanya.
2
Aaahh Z-zach hmmm Hindi naman nagtagal ay tinanggal niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at umalis sa pagkakaibabaw sa akin.
Kinuha ko ang robe na nasa sahig at sinuot iyon. Napahawak ako sa tiyan ko, limang buwan na ito pero walang pag iingat sa mga galaw ni Zach sa tuwing aangkinin niya ako. Kahit anong pakiusap ko na magdahan dahan at mag-ingat ay nananatili itong bingi. Ang mahalaga sa kanya ay ang mailabas ang init ng kanyang katawan sa pamamagitan ng paggamit niya sa akin.
Natigilan ako sa pagkilos nang may gumuhit na sakit sa aking tiyan kaya napaupo ako sa edge ng kama, humigit ako nang malalim na paghinga at pilit kong kinakalma ang aking sarili.
Sorry baby, nasaktan ka ba? hinimas himas ko pa ito na para bang pag ginawa ko yun ay mawawala ang sakit pero lumipas ang ilang minuto tumindi na ang pananakit at nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko na tila basa ang pagitan ng aking mga hita.
No. hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, unti-unting nagpatakan ang akingmga luha, hindi ko rin maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman.
Nothis cant beBabyplease stay with Mommy Zach!!! Ahhh! Zach, ammpp! Zach pinagpapawisan na ko dahil sa sobrang sakit. Pinilit kong makalapit sa knya para gisingin siya,wala na ring tigil ang pagtulo ng luha ko dahil na rin sa takot na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Zaaaachhh!!!! ahhhhhmmmmp
San tayo pupunta? pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa braso niya. Kitang kita ang takot sa mga mata nito.
Were going to end this problem
No!!! you Zach, bitiwan mo ko hindi ko ipapalaglag ang anak ko!!!
Shut up! Dugo pa lang yan! Wala pang nararamda- hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may kamaong dumapo sa akin. Tinignan ko kung sino ang gumawa nun... si Daddy. Inabot niya ang kuwelyo ko at sinuntok uli. Napangiwi ako ng malasahan ko ang dugo sa labi ko.
you Zachary! Hindi kita pinalaking ganyan! Sarili mong anak binabalak mong patayin? nangigigil na sabi ni Dad sa akin, mababa ang tono ng boses niya ibig sabihin galit na galit siya.
Frederico, tama na yan pag-usapan natin to ng maayos. Parang awa mo na wag mong saktan ang anak mo si Mommy, umiiyak na rin habang yakap ang nanginginig na si Amber. Binitawan naman ako ni Papa
Go to my office young man! maawtoridad nitong utos.
..........
No Dad! Hindi kami magpapakasal ni Amber. Ayoko alam niyo naman na may girlfriend na ko diba? Huwag niyo nang ipilit ang bagay na hindi naman talaga puwede
As far as I remember si Amber ang nobya mo at kung meron mang iba hindi ko na problema yun dahil si Amber lang kinikilala namin ng mommy mo, huwag mong talikuran ang responsibilidad mo sa mag-ina mo Zachary.
At pano naman si Audrey? Dad, listen to me, wala na kami ni Amber tinapos ko na kung ano man ang meron sa amin-
Tinapos mo? Cmon son, nagsisimula pa lang ang lahat para sa inyo ni Amber at ng magiging anak mo wag mo kong gawing tanga hijo, kung wala ka naman na palang pagmamahal kay Amber eh bakit ginalaw mo pa? ngayong nagbunga ang ginawa mo gusto mong patayin ang sarili mong anak? dont you dare hurt her and my grandchild ako ang makakalaban mo! hindi mo alam kung paano ako magalit Zachary Yvo.
Bahala kayo! Pero ito ang tatandaan mo dad hinding hindi ko pakakasalan si Amber, kung meron man akong babaeng ihaharap sa altar, walang iba kundi si Audrey, siya lang ang pakakasalan ko Dad. Si Audrey lang!!! lumabas na ako ng office dahil hindi ko na kayang makipagtalo sa kanya, ngayon lang kami nagkasagutan ng matindi kaya umiwas na ko ayoko pa ring masira ang relasyon namin ng mga magulang ko. Mula noon hindi na ako umuwi, tumira na ako sa isa sa mga bakanteng bahay na pinauupahan nila Mommy. Naghanap ako ng trabaho para makaraos ako sa mga gastusin. May savings account ako at alam ko na kahit wala ako sa poder nila nagdedeposito pa rin sila dito napagpasyahan ko na lang na hindi ito galawin.
Dalawang buwan na mula nang umalis ako ng mansion, maayos naman ang lahat napagsasabay ko ang pag aaral at pagtatrabaho, napagpasiyahan na rin namin ni Audrey na magsama na lang sa isang bubong kesa naman magbayad pa siya apartment ay pinatira ko na lang siya sa bahay. Nagbalak na rin kaming magpakasal kahit sa huwes lang muna, ang mahalaga ay makasal kami sa lalong madaling panahon.
Binabasa ko isa isa ang mga pinadala sa aking email ng kapatid kong si Adrienne, binabalita nito ang mga nangyayari sa mansion, doon na rin pala pinatira nila Mommy si Amber dahil hirap ito sa pagbubuntis.
Doon ko lang din nabalitaan na inatake sa puso si Daddy, nang mabasa ko iyon ay nagdesisyon akong bumalik sa mansyon para na rin maalagaan siya.
Kuya! Buti naman at dumating ka
Yeah, kumusta na si Dad? tanong ko habang papasok sa mansion.
Still recovering, buti na lang at kasama niya sina Mommy at ate Amber nung atakihin siya kaya naisugod siya kagad sa ospital.
Nasan siya ngayon?
Si Ate Amber? nandun sa bahay ng kaklase niya gumagawa ng thesis .
Im talking about Dad, Adrienne, wag kang magsimula.
Hmp! Sungit! daig mo pa si Ate Amber. tinignan ko na lang siya ng masama wala talagang pinipiling oras itong kutong lupa na ito eh.Nasa kuwarto si Dad, and please lang kuya wag kang gagawa ng mga bagay na makaka stress sa kanya yun ang kabilin bilinan ng Doktor. Tumango ako saka umakyat na papunta sa silid kung nasaan si Daddy, naroon din sa loob si Mommy.
Hijo she smiled at me as I walked towards her.
Mom yun lang ang nasabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit ganun din ang ginawa niya.
Thank you for coming, Im sure matutuwa ang Daddy mo pagkagising niya mamaya.
I hope so, galit na galit siya nung huli kaming mag-usap
He will be glad. Im pretty sure he will .
Maggagabi na nang magising si Daddy at tulad nga ng sabi ni Mommy sa akin ay natuwa siya nang malaman niya na bumalik ako sa mansion.Nag usap kami ni Dad nung gabing iyon humingi ako ng tawad sa mga nasabi ko at sa binalak kong gawin sa batang nasa sinapupunan ni Amber, napagkasunduan din namin na tutulong na ako unti unti sa pagpapatakbo ng kumpanya. Akala ko ay hindi na nila ipipilit pa ang tungkol sa aming dalawa ni Amber pero nagkamali ako. Hiniling ni Dad na panagutan ko si Amber, tumanggi ako at pinaliwanag na malapit na kaming ikasal ni Audrey, hindi siya kumibo ng sabihin ko sa kanya ang mga plano ko, matiim niya akong tinignan at sinabi niyang nais na niyang magpahinga, nang tingnan ko siya ay kitang kita ang lungkot na bumalatay sa mga mata niya.
Nagpaalam na ako para matulog, alam kong nadisappoint si Dad sa sinabi ko pero hindi ko kayang iwan sa ere si Audrey, hindi ko kayang saktan ang babaeng pinakamamahal ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng silid ko ng marinig ko ang sigaw ni Mommy.
Frederico!!! Oh my God! No please Frederico wake up!!! dali dali kong pinuntahan ang silid nila nakasalubong ko din si Adrienne, humahangos ito at halatang takot na takot.
Mom! natigilan ako ng makita ki si Dad na walang malay habang yakap ni Mommy.
Dad!!! Oh my God! kuya dalin natin si Dad sa ospital
Ipahanda mo ang sasakyan Adi bilisan mo
.............
Ang huling atake ni Dad ay mas malala. Nalaman ko na pinag-uusapan pala ni Mommy ang naging desisyon ko at tutol silang dalawa lalo na si Dad dahil iniisip niya si Amber na tinuring niya na ring sarili niyang anak. Hiniling ni Mommy na pagbigyan ko na ang gusto ni Daddy, halos magmakaawa siya sa akin mabago lang ang desisyon ko at sa huli pumayag ako sa kagustuhan nila. Isang linngo matapos makalabas si Dad ng ospital ay sinimulan na ang mabilisang preparasyon para sa kasal namin, sa durasyon ng paghahanda ay hindi ko nakita si Amber sinasadya kong umuwi ng late at umalis ng maaga para hindi kami magpang abot, sa University naman ay walang problema dahil magkaiba kami ng Department. Mabilis na dumaan ang mga araw at naikasal na nga kaming dalawa
Zach napatingin ako sa hallway nakita ko si mommy na nagmamadaling maglakad papunta sa kinauupuan ko. Nasa likod nito si Adi halata din ang pag-aalala sa mukha.
Mom yun lang ang nasambit ko agad niya akong niyakap ng mahigpit, kasabay nun ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.
What happened?
I dont know Mom nagising na lang ako sa sigaw niya kanina. napansin kong tahimik lang si Adi, hindi man lang ito nagtatanong which is very unusual dahil likas na dito ang mag usisa sa mga bagay bagay. Nang mapadako ang direksyon ng mga mata niya sa akin ay isang matalim na tingin ang binigay nito. Malamang ako ang sinisisi niya sa nangyari.
Napatayo ako sa kinauupuan ko nang biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas na ang doktor ni Amber.
Doc, kumusta ang anak ko? nag-aalalang tanong ni Mommy, lumapit na rin ako sa kanya para malaman kung ano ang nangyari sa mag-ina ko.
Shes ok Maam, maya-maya ay ililipat na siya sa kuwarto-
How about the baby? putol ko sa sasabihin pa ng doktor, narinig ko naman ang mahinang pag tsk ni Adi.
Well, we almost lost the little angel, good thing at naagapan pa rin namin siya. napabuga ako ng hangin dahil na rin sa relief na naramdaman ko ng marinig ko na ligtas ang bata. Niyakap ako ni Mommy habang umiiyak tulad ko ay masaya siyang marinig na ligtas ang mag-ina.We just have to make sure na hindi ma stress si Mrs.Montevista, mahina pa rin ang kapit ni baby, thats why she needs to be in complete bedrest for atleast three weeks.
Ah Doc, bakit nagbleed ng ganun ang ate ko? I mean, she always makes sure na iniinom nya lahat ng vitamins na binigay sa mo sa kanya lalo na ung para sa pampalakas ng kapit ni baby. tanong ni Adi sa Ob Gyne ni Amber,bumaling sa akin ang doktor at...
Did you two have an intercourse? diretsong tanong nito sa akin na ikinaputla yata ng mukha ko, ang lahat ng mata nila ay napako sa akin at hinihintay ang sagot ko, napayuko na lang ako sabay ang marahang pagtango.
Ok... Just make sure the next time you do it, be careful, but for now hindi muna puwede ha anito na halatang pinipigil ang pagngiti.
Tsk. Diet ka ngayon kuya, malas mo ang hilig mo pa naman sabi sa akin ni Adi na ngayon ay nakangiti na may pagkabipolar talaga tong kutong lupa na ito eh.
Shut up Adrienne Nichole sabi ko na lang, di pa rin talaga ako makamove-on sa hiya ko dahil sa tanong ni Doc kanina.
Stop it chidren nakangiti na rin si mommy habang sinasaway kami. Binalingan ko ang doktor at nagpasalamat na dito, ilang sandali pa ay inilabas na si Amber mula sa ER at inilipat na sa pribadong kuwarto niya.
3
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, nakita ko si Zach na nakatulog na sa couch, sa tabi ko naman ay may nakayukyok na babae, malamang si Audrey, wala naman ang Mama at Ate Beatrice ko dito sa Pilipinas, si Mommy naman paniguradong binabantayan si Dad dahil hindi pa masyadong nakakarecover yun. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, natatakot ako, baka mamaya may nangyaring masama sa baby ko, pinilit kong pigilan ang paghikbi pero hindi ko rin nagawa, napahawak ako sa tiyan ko maumbok pa rin ito, pero natatakot pa rin ako.
Ate napalingon ako kay Adi na nakangiti ngayon sa akin. kumusta pakiramdam mo? wait gigisingin ko lang si kuya- nagawa ko na siyang pigilan bago pa siya makatayo.
Dont. Hayaan mong magpahinga si Zach.Mukhang kakatulog pa lang niya eh, kawawa naman hayaan mo munang makabawi kahit papaano ng lakas.
hay nako! hayaan mo lang siyang mag- alaga sa iyo mas maganda nga alilain mo na din
Adi...ang baby ko? ok lang siya diba?
Oo naman ate ok na siya pero bedrest ka muna mga 3 weeks daw sabi ni Doc, saka wag muna kayong mag-ano ni kuya sabi din ni Doc ngiting ngiti ang bruha samantalang ako, hindi ko malaman kung paano itatago ang pamumula ng mukha ko, kung kanina iyak ako ng iyak ngayon naman hiyang hiya.
grabe ang pula na ng mukha mo ate- aray! bat ka ba nambabato? binalingan niya si Zach na bagong gising saka gumanti dito, nasalo naman ni Zach ang unan na binato ni Adrienne.
Nasa ospital ka Adi napakaingay mo seryosong sabi ni Zach sa kapatid, saka tumayo at lumapit sa akin.
Kumusta pakiramdam mo? may masakit ba sayo? natulala ako, ako ba yung kinakausap niya? diba sa sticky note niya lang sinusulat yung mga gusto niyang sabihin sa akin? ah baka wala siyang dala nagmamadali kasi siya kagabi eh.
Oy Ate! sa sigaw na iyon ni Adi ako tila natauhan.
Ha? Ano, Ok lang ako, wala namang masakit sa akin
Ah ok yun lang at umalis na siya hindi ko alam kung saan pupunta, di man lang kasi nagpaalam. Naiwan kami ni Adi dito sa private room ko, siya na lang daw muna ang magbabantay sa akin. Hindi naman ako nagtatampo kay Zach, malamang papasok pa yun sa University pasahan na kasi ng requirements para sa mga graduating tulad namin.
Ate oh, kain ka muna di ka puwedeng magpalipas ng gutom pati diet mo binabantayan na ng maigi ni Doc. Inalalayan ako ni Adi na makaupo, nakakailang subo pa lang ako ng magtanong uli siya.
Nag-aano pa rin pala kayo ni kuya? tumigil yata ang ikot ng mundo ko sa tanong ni Adi, kelangan niya talagang kumpirmahin pa talaga sa akin ang tungkol sa bagay na yun?
Ha? ah...eh... di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, hindi naman kasi ako sanay na pinag-uusapan ang mga ganoong bagay.
Ih...Oh...U... grabe ate, mas mapula yung mukha mo ngayon kesa kanina hahahahaha.... hay grabe! ang sakit na ng tiyan ko kanina pa...sarap niyong pagtripan ni kuya
tsk tumigil ka na nga Adrienne. para kang baliw diyan kunwari ay saway ko na lang, pero desidiso talaga siya sa pang-uusisa ahahahaha naku ate ok lang yun baliw naman talaga ako eh, panu ba yan bawal daw muna kayong mag-ano ni kuya hahahaha
Adi! Imapakta ka talaga, duduguin ako sa iyo eh ayun dun lang yata natauhan ang bruha, natakot yata na duguin nanaman ako.
Hmp ok fine titigil na, kumain ka na uli ate para lumakas na kayo ni baby nakangiti pa rin ito, pero sa tingin ko may iniisip nanaman tong kapilyahan eh hindi niya na lang sinabi sa akin.Lakas pa naman ng tagas ng hangin sa utak nitong bruhang to.
ZACHS POV
Kakarating ko lang dito sa bahay, gusto ko sanang matulog saglit pero kailangan ko ng pumunta ng University ipapasa ko na kasi mga requirements ko para maka graduate, isasabay ko na lang din yung kay Amber kahit malabo na siyang maka-attend ng graduation. Napatingin ako sa kama, nakita ko pa dun yung bahid ng dugo, nakukunsensya tuloy ako! bat ba kasi hindi ako nag-ingat eh, nalagay pa tuloy sa alanganin yung mag-ina ko.
Mag-ina ko, malalim akong napabunting hininga habang paulit-ulit kong sinasambit ang mga salitang iyon,hindi ko nga namalayan na nakangiti na pala ako habang n-inihahanda ang mga gamit na dadalhin ko bukas para kay Amber.
Hindi ko tuloy maiwasang kuwestiyunin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya o kaya ay kay Audrey, tila ba ako naguluhan sa kung sino ba talaga ang mas mahalaga sa kanilang dalawa para sa akin.
Hoy Zach pare! tawag sa akin ni Andrew, isa sa mga matatalik kong kaibigan
Oh, san ka galing? nakapagpasa ka na ba?
Dun lang sa tambayan kanina ka pa namin hinihintay dun eh, nagyon pa lang ako magpapasa , tangna kasi si Jude umiral nanaman katangahan ng gagong yun
bakit nanaman?
Boplogs kasi eh, natapunan ng tubig niya ung mga requirements namin nila Harold pinatuyo pa tuloy namin. Oh eh teka bat nga ngayon ka lang? mukha kang walang tulog ah, nagduty kayo ni Amber? ayieee pang-aasar pa nito.
Dinala ko sa Ospital si Amber kagabi. Dinugo kasi
Ha? Eh? kumusta na siya ngayon?
Ok na. bedrest siya atleast 3 weeks.
Hala, eh di hindi na siya makakapagmartsa nyan?
Yeah. Lika na pasa na tayo pati yung kay Amber ipapasa ko na di eh. Asan si Harold?
Ayan na parating na, isa pa yung puyat eh di daw kasi sinasagot ni Adi tawag at txt nya kagabi
Kasama namin si Adi kagabi.
Kuya!!! awtomatikong nagsalubong ang ang mga kilay ko nang marinig ang tinawag sa akin ni Harold, akala mo kung sino kung maka-kuya, magkaedad lang naman kami. Kung hindi lang to matino tututol ako sa kanilang dalawa ni Adi .
Tang na mo sagot ko sa kanya
Tssk sungit mo talaga buti na lang di nagmana si Adi my baby sayo eh .
Halina kayo magpasa na ta- pambabalewala ko na lamang sa kanya, matatagalan lang kami kung pag-aaksayahan ko pa ng oras ang mga kalokohan ni Harold, nagsimula na kaming maglakad patungo sa Registrars Office nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumtawag sa akin
Babe!!! nilingon ko siya, di nga ako nagkamali ng hinala si Audrey tumatakbo papunta sa amin.
Hey dahan dahan lang sabi ko sa kanya muntik na kasing madapa dahil sa bilis ng takbo
Tsk...tsk..tsk... narinig ko pa ang palatak ng mga kaibigan ko, alam ko na ayaw nila kay Audrey pero hindi naman nila ito pinakikitaan ng disgusto tamang pakikisama lang, maliban kay Andrew. Sa kanilang tatlo siya ang pinakagalit kay Audrey. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganun, pinsan niya si Amber at nung malaman niya na nakipaghiwalay at nabuntis ko si Amber halos masira na ang pagkakaibigan namin buti na lang naayos namin.
Babe, san ka ba galing? hindi mo sinasagot ang texts at tawag ko sayo last night. Nakakalungkot sa condo kagabi tanong nito at yumakap sa braso ko..
Hindi na kailangang tanungin kung nasaan siya kagabi, malamang magkasama sila ng asawa niya.
Shut up Montanez Im not talking to you singhal ni Audrey, napakamot ako sa noo nang maalala na dapat pala ay sa condo ako matutulog kagabi, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at hindi ako nakaalis ng bahay.
I dont care, magsasalita ako kung kelan ko gusto Hindi mo hawak ang dila ko at wala kang karapatang patahimikin ako sa mga gusto kong sabihin betski ganti naman ni Andrew
you Montanez. Go to nanggigigil na sabi ni Audrey medyo nakakakuha na ng atensyon tong dalawa kaya pumagitna na ako.
Pre, tama na yan tinapunan lang ako ng masamang tingin ni Andrew saka lumakad palayo nang bigla siyang tumingin uli sa amin ni Audrey.
Tsk.... nga pala betski, hindi pa ako welcome sa impiyerno pero ikaw inaantay ka na nila doon with open arms, tingin ka sa kinatatayuan mo unti unti ng bumubuka ang lupa hindi ka na kasi nila mahintay pa kaya pinapadali na nila yung dadaanan mo papunta sa impiyerno. sigaw Andrew marami ang nakarinig sa mga sinabi niya lalo na ng ididiin niya ang salitang betski.... ibig sabihin kabit. Hindi ko makuhang magalit kay Andrew, naiintindihan ko siya kahit pagbalibaligtarin pa ang mundo mananatili ang loyalty niya sa pinsan niya.
you Montanez!!! tang ina mo! hayop ka wala kang modo!!! magsama kayo ng pinsan mong kapit tuko sa boyfriend ko!!!!!!!! nawawala na poise ni Audrey sa kakasigaw kay Andrew, marami na ring tao sa paligid at tiyak na pinag-uusapan na kami. Pilit ko na siyang pinatitigil pero hindi niya ako pinapansin.
Same to you Mistress!!! hindi rin nagpatalo si Andrew talagang lahat ng binabato ni Audrey sa kanya kagad naman niyang ibinabalik.Nang makalayo na sina Andrew ay ako naman ang binalingan ni Audrey.
I hate uou Zachary!ni hindi mo man lang ako ipinagtanggol kay Andrew! pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis ng hindi nagpapaalam.
Isa-isa kong sinusuri ang mga gamit na inayos ko kagabi para dalhin sa ospital, ilang beses kong sinigurado na kumpleto ang lahat ng kakailanganin ni Amber sa ilang araw niyang pananatili doon. Kanina ay nakausap ko si Mama, nasabi ko na ao na ang bahalang magbantay kay Amber sa ospital tutal ay naipasa ko na lahat ng requirements naming dalawa, kaya pwede na akong hindi pumasok ng ilang araw.
Naalala ko nanaman yung nangyari kanina, galit sa akin si Audrey, saka ko na siya kakausapin pag wala na siyang sumpong, napapnsin ko lang na these past few weeks medyo nagiging moody si Audrey,nagtatampo siguro dahil hindi ko siya masyadong mabigyan ng oras masyado kasi akong busy sa University at training sa kumpanya.
Nailagay ko na lahat ng gamit na kailangan namin sa bag, gusto ko muna sanang umidlip ngunit as nagingibabaw sa kin ang kagustuhan kong malaman kung maayos na ba talaga ang lagay ni Amber at ng baby, hindi ko naman maitext si Audrey dahil wala naman akong matinong sagot na makukuha sa kapatid kong iyon. Kinuha ko ang susi ng kotse at nagpasya na akong umalis. Malapit na ako sa ospital nang mapadaan ako favorite restaurant ni Amber kaya nag take-out na rin ako ng pagkain namin. Sandali lang ang inilagi ko sa restaurant kilala na rin kasi ako dito kaya alam na nila ang oorderin ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng private room ni Amber nang makarinig ako ng tawanan, may ideya na ako kung sinu-sino ang mga bisita kaya pinasya ko ng pumasok. Tama nga ako, si Andrew,Harold at Jude. Si Jude ang unang nakapansin sa pagdating ko, dahil ang magaling kong kapatid busy sa pakikipagharutan kay Harold, si Andrew naman ay ipinagbabalat ng prutas si Amber na nakahiga.
Oy pre, andyan ka na pala
yeah, kanina pa kayo? tanong ko sa kanila
Hindi kararating rating lang namin sagot naman ni Harold na tumigil na sa pakikipagharutan kay Adi.
Ibinaba ko na ang pagkaing itinake-out ko sa table at yung bag naman ay inilagay ko na sa cabinet, saka ako lumapit kay Amber at hinawakan ang kanang kamay niya kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat sa ginawa ko.
Kumusta na ang pakiramdam mo? dumating na ba si Doc? Anong sabi?
A-ayos naman wala naman akong nararamdamang kakaiba , maya-maya pa siguro dadating si doc
Kumain ka na? Nag take-out ako ng paborito mo dyan sa-
Yun oh, tangna mo pre dumada moves ka nanaman ayieee hayop na Jude to bigla biglang babanat, nagsunuran na tuloy mang-asar sina Harold at Adi. Si Andrew naman tahimik lang na naupo sa couch samantalang si Amber namumula na ang mukha sa gingawang pang-aalaska sa amin nung tatlo.
Magsi-uwi na nga kayo, saka na kayo bumalik pag ok na si Amber mabibinat lang siya dahil sa inyo eh pagtataboy ko sa kanila.
Tsk wala akong tiwala sayo kuya, baka pag kayong dalawa na lang ni Ate dito kalabitin mo nanaman
Andrienne Nichole!!! sabay naming saway ni Amber sa baliw kong kapatid, kasunod nun ang malakas na tawanan ni Harold at Jude, bwisit talaga tong kapatid ko eh.
Ayun kaya naman pala, tangna pre dahan dahan kasi ang walnghiyang Jude nanaman .
Gago. umuwi na kayo sige na, tangna niyo uwi! oy ikaw Adi dumiretso ka na ng bahay itatawag ko kay Mommy na pauwi ka na kaya wag ka ng sumama kung saan saan dyan kay Harold uwi na!!!Bilis!!! pinaghihila ko na sila patayo at pilit na pinalalabas ng kuwarto si Andrew naman ay napansin kong nagpapaalam na kay Amber hindi talaga ako pinapansin.
Aray naman kuya! isusumbong kita kay Dad pag nagkapasa ako. Harold oh
Huwag ka ngang maarte diyan umuwi ka na. At kahit magsumbong ka dyan kay Harold walang magagawa yan. Hala uwi na! tawa pa rin ng tawa ang mga walang hiya si Amber naman ay hindi na rin mapigilan ang mahinang pagtawa dahil sa pinaggagawa nung tatlo at marahil dahil na ri n sa reaksyon ko.
Ay naku ate pagkinalabit ka nanaman ni kuya tumawag ka kagad ng nurse ha bilin pa ni Adi kay Amber, mas lalo akong napahiya dahil nasa labas na siya ng kuwarto at may mga nurse na dumadaan para mag-rounds. Pagkatapos nun ay hila hila niya si Harold na tumakbo para makaiwas sa gagawin ko sanang pambabatok.Nang makalayo sila ay sinara ko na rin ang pinto, binalingan ko si Amber na inaayos ang sarili mukhang mahihiga na kaya agad ko siyang inalalayan.
Salamat
Ahm wala yun sige magpahinga ka na inayos ko ang mga dala ko kaninang pagkain pati na rin ang nga damit ay inilipat ko na sa cabinet ng maayos.
Nagpasya akong maligo muna,pakiramdam ko kasi dala ko na lahat ng alikabok dahil sa dami ng inasikaso ko kanina, tulog na rin naman si Amber, kaya mas maigi na gawin ko ang mga bagay na maaari kong gawin dahil kapag nagising siya, nais ko na nasa kanya lahat ng atensyon ko.
Ilang minuto din ako sa loob ng CR nagbibihis na ako ng maulinigan ko ang pagbukas ng pinto sa kuwarto ni Amber nagmamadali kong tinapos ang pagbibihis sa pag-aakala kong dumating na ang doktor niya, pero hindi pala iyon ang dumating kundi si Audrey na masama ang tingin kay Amber.
4
What are you doing here Audrey? tinignan ko si Amber na nakahiga pa rin, nakapako ang mga mata niya kay Audrey, kinabahan ako bigla ng makita kong nanunubig na ang kanyang mga mata.
So kaya pala hindi mo ako sinundan sa condo kanina dahil nandito ka sa babaeng to
Stop it Audrey, huwag dito. umuwi ka na pupuntahan kita bukas pigil ko dito, alam ko na hindi ito palalampasin ni Audrey.
S-sige na Zach sumama ka na sa kanya. babalik naman si Adi mamaya dito eh.
Narinig mo babe? lets go home
No. umuwi ka na Audrey bukas na tayo mag-usap
Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama Zach lalo na ngayon sa condition ko.
Lets talk outsidesabi ko sa kanya saka ko tinignan si Amber na dahan dahang tumatayo habang hawak hawak ang tiyan, nilapitan ko siya at tinulungan na makaupo, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.pati ang pamumutla niya ay kitang kita ko na rin. Are you ok? you want me to call the doctor?
No Zach, ok lang ako, sige na mag-usap na kayo
PLAY.GOOGLE.COM
Allnovel
Allnovel-No charge Massive Multi-language
Install Now
Some descriptions are auto translated, meaning might have changed a little or a lot.
Email:
Contact Number:
Age: 32 (report if not 18+)
REPORT
Post your own ad > get emails > Select one > Start dating.
*You must be 18+.
POST AD NOW
BackpageAfrica.com is a Backpage Equivalent african website with a good control at user level, community level. BackpageAfrica.com is a classified web app like a regular classified website. It is similar to craigslist personals, gumtree, backpage, bedpage for personal ads.
Disclaimer: Please ignore under 18 users, we highly discourage them. Any ad misleading, prone to human traffiking, outlawed, scamming will be removed without prior notice.
Cheating Alert! Cheating is everywhere, stay cautious. Any advertise if asks for up front, gifts, any login data or any means of payment may be somebody behind a scam and use your brain to avoid such a trap. Backpage Africa does not encourage scam party, cheating people.
Copyright: Backpage Africa (c) 2025 | Privacy Policy | Contact Us